Search This Blog

HappeningPH Wika! Mula Day Care Hanggang Kinabukasan: Paano Binuhay ng mga Batang Ata ang Wikang Inata

𝟐𝟐 𝐀𝐛𝐫𝐒π₯ πŸπŸŽπŸπŸ“

Ginanap ang Seremonya ng Pagtatapos ng unang batch ng programang Bahay-Wika sa wikang Inata para sa TaΓ³ng Panuruan 2024–2025 noong 22 Abril 2025 sa Sityo Manara, Barangay Celestino Villacin, Lungsod Cadiz, Negros Occidental.

Labing-isang batang Ata ang nagtapos sa naturang programa.

Ang programang Bahay-Wika sa wikang Inata ay naka-integrate sa Day Care ng Sityo Manara. Layunin ng programang ito na mabigyan ng exposure ang mga bata sa paggamit ng Inata sa loob ng Day Care upang matutuhan nila ang kanilang katutubong wikang hindi na nila natutuhan ang paggamit sa kanilang tahanan.

Pagkatapos ng seremonya, nagsagawa ng Focus Group Discussion kasama ang mga magulang, guro, at elder para sa ebalwasyon ng programang Bahay-Wika.

πŸπŸ‘ 𝐀𝐛𝐫𝐒π₯ πŸπŸŽπŸπŸ“

Isinagawa naman ang workshop sa pagbuo ng mga planong pangwika ng komunidad.

Noong 2024, nagtakda ang komunidad ng mithiin para sa wikang Inata.

Naitarget nila na sa loob ng tatlong taΓ³n, mula 2024–2027 lahat ng magulang na Ata ay marunong nang magsalita ng Inata, at sa loob ng 10–15 taΓ³n, 2024–2039 nagagamit na ang Inata bilang wikang panturo sa paaralan sa kanilang komunidad.

Dinaluhan nina Indigeous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Reneboy Francisco, Chieftain Garry Consing, mga elder, magulang, guro, at kabataang lider ang isinagawang workshop.

Sa tulong ng KWF, nakabuo sila ng plano at kongkretong hakbang sa pagkamit ng kanilang mithiin.

πŸπŸ’ 𝐀𝐛𝐫𝐒π₯ πŸπŸŽπŸπŸ“

Nagsagawa ng workshop upang maisapinal ang binubuong aklat ng Inata na naglalaman ng mga pangunahing salitang ginagamit sa pagtuturo at sa araw-araw, mga diyalogo, tula, at kuwento. Gagamitin ang aklat na pantulong sa pagtuturo ng Inata.



Looking for a cleaning service you can trust? mj cleaning services offers comprehensive cleaning solutions designed to meet your specific needs. From residential spaces to commercial properties, m j cleaning services ensures a high standard of cleanliness and reliability. With a commitment to customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers spotless results every time, making your space healthier and more inviting.

No comments: