Makisaya at Matuto sa Literature Program ng Pasinaya 2023: Piglas Sining sa Pebrero 3-5!
Pagkatapos ng tatlong taon na pagdaraos sa online na paraan, muling nagbabalik ang Pasinaya Festival!
Sa Pebrero 4–5, 2023 ay magkakaroon na uli ng face-to-face Pasinaya workshops, performances, film screenings, exhibitions, art market, at iba pa! Ito ay mangyayari sa loob ng Cultural Center of the Philippines Complex at selected museums sa Metro Manila.Narito ang detalye ng literature program ng Pasinaya Multi-Arts Festival 2023.
Para sa literary workshops ngayong Pebrero 04:
Sa ganap na 8:30 n.u. hanggang 9:00 n.u. ang Storytelling Workshop ni Teacher Mars Mercado kasama ang Art Session ni Teacher Ann Millendez sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang Kuwento, Dula, at Relikya Workshop ng Aklat Mirasol sa Liwasang Kalikasan, Tent 1.
Sa ganap na 11:30 n.u. hanggang 12:00 n.t. ang Creative Reading of Barako, Baraking Storybook workshop para sa Southern Voices Printing Press sa Liwasang Kalikasan, Tent 1.
Sa ganap na 3:30 n.h. hanggang 4:00 n.h. ang Book Talakayan ng Alon at Lila, kasama ang Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) Book Club sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge.
Para sa literary performances:
Pebrero 04 2023
Sa ganap na 10:00 n.u. hanggang 10:30 n.u. ang LIRAhan: Pasinaya poetry reading ng grupong Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo sa National Museum–Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang Palaisipan ng mentalist performer na si Justin Piñon sa National Museum–Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 11:00 n.u. hanggang 11:30 n.u. ang LILA Poetry Reading, kasama ang mga makatang LILA sa Philippine Women’s University–SFAD Gallery, ito ay para sa kabataan, matanda, at kababaihang manonood.
Sa ganap na 1:00 n.t. hanggang 1:30 n.t. ang The Reddest Rose Unfolds ng theater actress na si Bianca Louise Gabon at Milflores Publishing sa National Museum–Fine Arts, ito ay para sa kabataan, matanda, at kababaihang manonood.
Sa ganap na 1:00 n.t. hanggang 1:30 n.t. ang Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board–Philippines sa Museo Pambata, ito ay para sa mga batang manonood.
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board–Philippines sa Museo Pambata, ito ay para sa mga batang manonood.
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Luna Writers poetry reading ng mga manunulat ng Luna Literary Journal at Good Intention Books sa National Museum–Fine Arts, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Pebrero 05 2023
Sa ganap na 2:00 n.t. hanggang 2:30 n.t. ang Tindig, kasama ang Sining Tanghal Laboratoryo (SINTALAB), at Kapisanan ng mga Mag-aaral na Manunulat sa Filipino (KAMMFIL) mulang Quezon sa CCP–Liwasang Kalikasan, ito ay para sa kabataan at matandang manonood.
Sa ganap na 5:30 n.h. hanggang 6:00 n.h. ang Dapat Ba o Hindi Dapat Pagtiwalaan ang Social Media bilang Daluyan ng Impormasyon ng PNU Balagtasan/Kadipan sa CCP–Vicente Sotto, ito ay para sa mga bata, kabataan, at matandang manonood.
A total of 4 literary workshops and 9 literary performances! Kaya siguradong may isa kang matitipuhan diyan.
Ang ticket? 50 pesos lang as suggested donation for every session.
Hatid ng Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department, ang literature program ng Pasinaya 2023 ay naglalayon na:
1. magtampok ng iba’t ibang uri ng pagtatanghal ng panitikan;
2. at makahikayat sa sari-saring uri ng manonood na patuloy na tumangkilik at magbasa ng libro.
Tara na at i-tag ang iyong kasama sa Pasinaya!
(isinulat katuwang si Ricci Joy Santos)
No comments: